Eco Forum Global Guiyang, binuksan: natamong bunga ng Tsina sa sibilisasyong ekolohikal, kinikilala ng komunidad ng daigdig

2021-07-12 16:23:23  CMG
Share with:

Binuksan Lunes, Hulyo 12, 2021 ang Eco Forum Global Guiyang na may temang “pagbuo ng isang komunidad ng buhay ng sangkatauhan at kalikasan, sa pamamagitan ng berde’t mababang karbon na pag-unlad.”
 

Tatalakayin sa nasabing porum ang mga paksang gaya ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations (UN), target ng Tsina sa pag-abot ng peak carbon dioxide emissions at carbon neutrality, pambansang estratehiyang pangkaunlaran sa Yangtze River Economic Belt, at iba pa.
 

Sapul noong 2009, sampung Eco Forum Global Guiyang ang matagumpay na naitaguyod.
 

Ang nasabing porum ay hindi lamang nagkakaloob ng plataporma para sa pagpapalitan ng kuru-kuro at karanasan ng iba’t ibang bansa sa larangan ng berdeng pag-unlad, kundi nakakapagpalalim din ng lebel ng kooperasyon ng komunidad ng daigdig sa aspekto ng sibilisasyong ekolohikal.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method