UNEP, nanawagang isagawa ang pangkagipitang aksyon upang harapin ang hamon sa kapaligirang ekolohikal

2020-12-21 16:26:38  CMG
Share with:

Inilabas nitong Linggo, Disyembre 20, 2020 ng mga organong gaya ng Tanggapan ng United Nations Environment Programme (UNEP) sa Tsina ang Chinese version ng Ika-6 na Global Environment Outlook (GEO-6).
 

Nanawagan ang ulat na isagawa ang pangkagipitang trans-departamentong hakbangin, upang harapin ng buong lipunan ang hamon ng sustenableng pag-unlad.
 

Anang ulat, sumasama ang pangkalahatang kalagayan ng kapaligiran ng mundo, at di-maaaring harapin ang mga hapon, batay sa mga umiiral na patakaran sa kapaligiran.
 

Nanawagan ang ulat sa iba’t ibang bansa na ganap na itakwil ang di-sustenableng modelo ng produksyon at konsumo, at aktibong isagawa ang kooperasyong pandaigdig, para maisakatuparan ang target ng sustenableng pag-unlad at ibang mga target na pandaigdig sa aspekto ng kapaligiran.
 

Sa kanyang video speech, sinabi ni Zhao Yingmin, Pangalawang Ministro ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina, na ang paglalabas ng nasabing ulat ay magkakaloob ng patnubay at karanasan para sa pagpaplano ng Tsina ng mga gawain sa pagharap sa pagbabago ng klima at pangangalaga sa kapaligrang ekolohikal.
 

Saad niya, ibabahagi ng Tsina ang karanasan sa iba’t ibang bansa, pahigpitin ang South-South Cooperation, at pasusulungin ang pagsasakatuparan ng target ng sustenableng pag-unlad sa taong 2030.
 

Salin: Vera

Please select the login method