Pananalita ni Taro Aso kaugnay ng Taiwan, mali at napakamapanganib—MFA

2021-07-07 15:19:03  CMG
Share with:

Sinabi kamakailan ni Taro Aso, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Pananalapi ng Hapon, na kung gagamitin ng Chinese mainland ang sandatahang lakas laban sa Taiwan, posibleng gamitin ng Hapon ang collective self-defense right, at ipagtanggol ang Taiwan, kasama ang Amerika.
 

Kaugnay nito, inihayag nitong Martes, Hulyo 6, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na mali at napakamapanganib ng ganitong pananalita.
 

Aniya, ito ay hindi lamang grabeng lumalabag sa simulain ng apat na dokumentong pulitikal ng Tsina at Hapon, kundi nakakapinsala rin sa pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Hapones.
 

Lubha aniyang ikinalulungkot at mariing kinokondena ng panig Tsino ang naturang pananalita.
 

Dagdag pa ni Zhao, nagharap na ng solemnang protesta ang Tsina sa Hapon hinggil sa usaping ito.
 

Saad niya, hinding-hindi mapapahintulutan ng Tsina ang pakikialam ng anumang bansa sa isyu ng Taiwan, sa pamamagitan ng anumang paraan.
 

Hindi dapat maliitin ng sinuman ang matibay na determinasyon, mithiin at kakayahan ng mga mamamayang Tsino sa pagtatanggol ng soberanya ng bansa, diin ni Zhao.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method