Punong negosyador ng Iran sa isyung nuklear, nanawagan sa mga kaukulang panig ng JCPOA na gawin ang “napakahirap na desisyon”

2021-06-28 15:51:10  CMG
Share with:

Sinabi nitong Linggo, Hunyo 27, 2021 ni Abbas Araqchi, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Iran at Punong Negosyador sa isyung nuklear ng bansa, na idinaos ng mga kaukulang panig ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) ang 6 na round ng talastasan hinggil sa pagpapanumbalik ng Amerika at Iran sa pagpapatupad ng nasabing kasunduan.
 

Aniya, lubos na tinalakay ang ilang di-pa nalulutas na problema, pero parang pumasok na sa pinal na yugto ang talastasan.
 

Dagdag niya, nauna rito, ginawa ng Iran ang napakahirap na kapasiyahan, at panahon na ngayon para sa ibang kaukulang panig na gawin ang “napakahirap na desisyon” batay sa mga natapos na talastasan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method