Kaungay ng mga pahayag ng Amerika at Britanya hinggil sa umano’y tangka ng Tsina sa pagmamanipula sa mga organisasyong pandaigdig, sinabi nitong Lunes, Hulyo 5, 2021 ni tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang ganitong pananalita ay purong paninirang-puri.
Diin ni Wang buong tatag na pinangangalagaan at ipinatutupad ng Tsina ang tunay na multilateralismo na may kooperasyon, win-win results, katarungan, at paggalang sa dibersidad.
Pag-uusisa niya, sino ang nagsasagawa ng hegemonismo at unilateralismo sa daigdig? Sino ang sumapi sa organisasyong pandaigdig dahil sa pangangailangan, at tumalikod sa organisasyong pandaigdig kung di-angkop ito sa sariling kapakanan? Sino ang sumikil sa ibang bansa, gamit ang hegemonyang pinansyal? May international consensus dito ang komunidad ng daigdig, aniya pa.
Salin: Vera
Pulido: Mac