CMG Komentaryo: Kalakalang panlabas ng Tsina, bakit nakakuha ng pinakamagandang resulta kumpara sa gayun ding panahon sa kasaysayan?

2021-07-14 14:01:13  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas Martes, Hulyo 13, 2021 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang hati ng taong ito, umabot sa 18.07 trilyong yuan RMB (mga 2.79 trilyong dolyares) ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng bansa, at ito ay lumaki ng 27.1% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
 

Kumpara sa gayun ding panahon ng 2019, umabot sa 22.8% ang bahagdan ng paglago ng kalakalang panlabas noong unang hati ng taong ito.
 

Pinakamaganda ang resultang ito kumpara sa gayun ding panahon sa kasaysayan.

CMG Komentaryo: Kalakalang panlabas ng Tsina, bakit nakakuha ng pinakamagandang resulta kumpara sa gayun ding panahon sa kasaysayan?_fororder_kalakalan

Ang ganitong magandang resulta ay may kinalaman sa maraming elemento.
 

Una, ang batayan ng matatag at gumagandang kabuhayang Tsino ay nagkaloob ng mabisang suporta para sa tuluy-tuloy at matatag na paglago ng kalakalang panlabas.
 

Tulad ng sabi ng komentaryo ng Reuters, dahil mas maagang napigilan ng Tsina ang pandemiya kumpara sa mga trade partner, sinimulang isakatuparan nito ang matatag at malusog na pagbangon ng kabuhayan noong unang ilang buwan ng 2020.
 

Bukod dito, kasabay ng pagpapalawak ng pagbabakuna sa buong mundo at tuluy-tuloy na pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, ang pangangailangang panlabas ay nakapagpasulong sa paglago ng kalakalang panlabas ng Tsina.
 

Sunud-sunod na pinataas ng maraming organisasyong pandaigdig ang pagtaya sa paglago ng kabuhayang pandaigdig. Ang pagbangon ng kabuhayan ng iba’t ibang bansa ay nakapagpasigla ng kalakalang pandaigdig.
 

Ang pagpapanumbalik ng kalakalang panlabas ng Tsina ay hindi lamang makakabuti sa sarili, kundi makakatulong din sa daigdig.
 

Bukod sa patuloy na pagpapatatag ng global suplay chain, ang mga kompanyang Tsino ay nagpapatingkad din ng masusing papel para sa paglaban ng buong mundo sa pandemiya.
 

Hanggang sa kasalukuyan, ipinagkaloob ng Tsina ang mahigit 500 milyong dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at concentrates sa mahigit 100 bansa at organisasyong pandaigdig. Ito ay katumbas ng 1/6 ng kabuuang output ng bakuna kontra COVID-19 sa buong mundo.
 

Ang lahat ng mga ito ay aktuwal na ambag na ginawa ng Tsina para sa pandaigdigang kooperasyon kontra pandemiya at pagbangon ng kabuhayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method