Tsina, ipapadala ang working group sa Pakistan para magbigay-tulong sa mga gawaing may kinalaman sa pagsabog ng bus

2021-07-16 15:17:05  CMG
Share with:

Tsina, ipapadala ang working group sa Pakistan para magbigay-tulong sa mga gawaing may kinalaman sa pagsabog ng bus_fororder_20210716Pakistan

Kaugnay ng aksidente ng pagsabog ng isang commuter bus sa Pakistan na ikinamatay ng 12 katao kabilang ang 9 na Tsino, inihayag nitong Huwebes, Hulyo 15, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagkagimbal ng panig Tsino sa napakalaking kasuwalting Tsino sa nasabing aksidente.
 

Aniya, ipapadala ng Tsina ang cross-departmental joint working group sa Pakistan para magbigay-tulong sa mga kaukulang gawain.
 

Naganap nitong Miyerkules ang pagsabog ng isang shuttle vehicle ng Dasu Hydropower Project sa Upper Kohistan district ng Khyber Pakhtunkhwa Province ng Pakistan na dulot ng pagtagas ng gasolina, at bumagsak ito sa ilog. Ang  proyekto ay pinangangasiwaan ng  isang kompanyang Tsino.
 

Ibayo pang iniimbestigahan ng panig Pakistani ang aksidenteng ito, at inihayag na ang taos pusang pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga biktima.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method