Tsina, nakikiisa sa 48 bansa kontra pagsasapulitika ng pag-aaral ng pinanggalingan ng COVID-19

2021-07-16 11:38:47  CMG
Share with:

Apatnapu’t apat (44) na bansa ang nagpadala ng isang magkasanib na liham, at apat na bansa naman ang hiwalay na nagpadala ng kani-kanilang liham kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, Pangkalahatang Direktor ng World Health Organization (WHO), bilang pagtutol sa politisisasyon ng pag-aaral hinggil sa pinanggalingan ng COVID-19.

 

Diin ng naturang mga bansa, gawaing siyentipiko ang pananaliksik sa pinagmulan ng virus, at kailangan nito ang pagkakaisa at pagtutulungan ng komunidad ng daigdig.

 

Kinikilala rin nila ang ulat na pinamagatang WHO-convened Global Study of Origins of SARS-CoV-2: China Part, kung saan mababasa ang resulta ng magkasanib na pag-aaral ng WHO at Tsina mula noong Enero 14 hanggang Pebrero 10, 2021. Ang naturang ulat ay opisyal na inilabas ng WHO, noong Marso 30, 2021.

 

Anang mga bansa, ang pandaigdig na pag-aaral hinggil sa pinanggalingan ng coronavirus ay kailangang ibatay sa, at patnubayan ng naturang siyentipikong ulat.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Huwebes, Hulyo 15, ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mababasa sa naturang mga liham ang suporta ng mga umuunlad na bansa sa katarungan. Taliwas ito sa pulitikal na manipulasyon, pagbaluktot sa katotohanan at pagsisi sa iba ng iilang bansang pinangungunahan ng Estados Unidos, dagdag pa ng tagapagsalitang Tsino.

 

Hiniling ng Tsina sa mga may kinalamang bansa na itigil ang paglalagay ng hadlang sa pandaigdig na pag-aaral sa pinagmulan ng virus, at makisama sa komunidad ng daigdig para matugunan ang pandemiya at makapag-ambag para sa kapakinabangan ng sangkatauhan.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

 

Please select the login method