Ipinatalastas kamakailan ng Global Alliance for Vaccines and Immunization (GAVI) na magkahiwalay nitong nilagdaan, kasama ng China National Pharmaceutical Group o Sinopharm at Sinovac Biotech Company Limited ng Tsina ang mga advance purchase agreement.
Ito ay nangangahulugang kasali na sa Vaccines Global Access (COVAX) ang mga bakuna ng Sinopharm at Sinovac, at maaari nang isuplay ang mga ito sa mga umuunlad na bansa simula ngayong buwan.
Ayon sa kasunduan, bago ang katapusan ng Oktubre ng taong ito, maaaring ipagkaloob ng nasabing dalawang kompanyang Tsino ang 110 milyong dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa COVAX.
Ito ay isa pang awtorisadong pagkilala ng mga organong pandaigdig sa bakunang Tsino, pagkaraang ilakip ng World Health Organization (WHO) ang nasabing dalawang bakuna sa Emergency Use Listing noong nagdaang 2 buwan.
Sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, muling ipinatupad ng panig Tsino ang pangako nitong gawing pandaigdigang produkto ng kalusugang pampulibko ang bakuna.
Walang duda, ito ay makakapagpasulong sa patas na distribusyon ng bakuna, at makakapagpalakas ng pandaigdigang kakayahan laban sa pandemiya.
Bilang isa sa mga bansa sa daigdig na nangunguna sa aspekto ng lebel ng pananaliksik at pagdedebelop ng bakuna, ipinagkaloob na ng Tsina ang mahigit 500 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19 at concentrates sa mahigit 100 bansa at organisasyong pandaigdig.
Ito ay katumbas ng 1/6 ng kabuuang output ng bakuna kontra COVID-19 sa buong mundo.
Pinakamarami sa daigdig ang bilang ng mga bakunang ipinagkaloob ng Tsina sa buong mundo.
Bukod dito, inihayag na ng maraming kompanyang Tsino ang mithiin sa pagsapi sa COVAX – ibig sabihin, mas maraming bakunang Tsino ang makagagawa ng positibong ambag para sa pandaigdigang pagpuksa sa pandemiya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio