Kasakiman ng Amerika sa pagtatago ng bakuna kontra COVID-19, iresponsable

2021-07-16 15:12:57  CMG
Share with:

Kaugnay ng komentaryo ng American media na bumabatikos sa pagtatago ng Amerika ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), inihayag nitong Huwebes, Hulyo 15, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ipinagkait ng kasakiman ng Amerika ang pagkakataon ng mga umuunlad na bansa sa patas na pagkuha ng mga bakuna, at ito ay hindi gawi ng isang responsableng bansa.
 

Noong ika-13 ng Hulyo, inilabas ng pahayagang “Washington Post” ng Amerika ang komentaryo bilang pagbatikos sa pagtatago ng Amerika ng maraming bakuna, na nauwi sa pag-aaksaya ng mga bakuna.
 

Tinukoy ng komentaryo na ang pinakamalaking kabiguan ng Amerika sa pagharap sa pandemiya ay pinag-uukulan nito ng pansin ang kalagayan ng pandemiya sa loob ng sariling bansa lamang, at hindi isinasaalang-alang ang banta ng virus sa labas ng bansa.
 

Kaugnay nito, sinabi ni Zhao na sa kalagayang kumakalat sa buong mundo ang pandemiya ng COVID-19, lalung lalo na, ang mga mutasyon ng virus ay nagbunsod ng mas malaking hamon sa pandaigdigang labanan kontra pandemiya, kinitil ng pagtatago at pag-aaksaya ng mga bakuna ng Amerika ang mahinang anti-epidemic lifeline ng mga umuunlad na bansa.
 

Dagdag niya, sa mula’t mula pa’y ipinalalagay ng panig Tsino na ang bakuna ay pandaigdigang produktong pampubliko, at dapat magpunyagi upang isakatuparan ang accessibility at affordability ng bakuna para sa mga umuunlad na bansa.
 

Nakahanda aniya ang Tsina na ipagkaloob sa abot ng makakaya ang mga bakuna sa labas, at gawin ang mas malaking ambag para sa pagpuksa ng pandemiya sa buong mundo.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method