Isinapubliko kamakailan ng pamahalaang Amerikano ang umano’y “Hong Kong Business Warning” kung saan, 7 opisyal ng pamahalaang sentral ng Tsina sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang pinatawan ng sangsyon.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Sabado, Hulyo 17, 2021 ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pagluluto ng umano’y “Hong Kong Business Warning,” ay walang batayang pagdungis sa kapaligirang pangnegosyo ng Hong Kong, at ang ilegal na pagpataw ng sangsyon sa mga opisyal ng pamahalaang sentral ng Tsina sa Hong Kong, ay grabeng lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, at grabeng nanghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Ipinahayag ng nasabing ministri ang buong tinding pagtutol ng panig Tsino, at buong higpit na pagkondena sa nasabing kilos ng panig Amerikano.
Sinabi ng Ministring Panlabas nf Tsina na lagi’t laging iginigiit ng panig Tsino ang patakarang “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” “Pangangasiwa ng mga Taga-Hong Kong sa Hong Kong,” at mataas na awtonomiya.
Anito, sapul nang isagawa ang Naitonal Security Law sa Hong Kong, ang mga dayuhang mamuhunan sa rehiyon ay nagkakaroon ng mas ligtas at matatag na kapaligirang pangnegosyo.
Diin pa ng ministri, papel lamang sa basurahan ang nasabing umano’y sangsyon ng panig Amerikano, at walang anumang kuwenta ang pagpataw ng presyur sa panig Tsino sa pamamagitan ng sangsyon.
Hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na agarang itigil ang panghihimasok sa suliranin ng Hong Kong, at sa mga suliraning panloob ng Tsina, pahayag ng nasabing kagawaran.
Binigyan-diin nitong isasagawa ng panig Tsino, alinsunod sa batas, ang lahat ng kinakailangang hakbangin para maipagtanggol ang sariling soberanya at kaligtasan at kaunlaran.
Salin: Lito
Pulido: Rhio