Isang video message ang ipinalabas ngayong araw, Hulyo 20, 2021, mula kay Peng Liyuan, asawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa Porum ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) tungkol sa Edukasyon sa Kababaihan at Pagbabawas ng Karalitaan.
Sinabi ni Peng, na ang pagkakaroon ng kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng edukasyon ay makakatulong sa pag-ahon ng kababaihan mula sa karalitaan at pagkamit ng maligayang pamumuhay.
Aniya, sa proseso ng pagpawi ng karalitaan ng Tsina, naigarantiya ang karapatan ng kababaihan sa pagtanggap ng edukasyon, at sa pamamagitan nito, nakahulagpos sa karalitaan ang napakaraming babae.
Ayon kay Peng, sa kasalukuyan, lugmok sa karalitaan pa rin ang 435 milyong babae sa buong daigdig. Kapansin-pansin ang agwat sa kasarian sa aspekto ng edukasyon, at idinudulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang mga bagong hamon sa pagpapaahon ng kababaihan mula sa karalitaan, dagdag niya.
Nanawagan siya sa SCO na patuloy na palalimin ang kooperasyon tungkol sa edukasyon sa kababaihan at pagbabawas ng karalitaan. Layon nito aniyang magdulot ng pag-asa at pagkakataon sa mas maraming babae.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos