Pagbatikos ng Amerika, Britanya at NATO sa Tsina kaugnay ng di-umano’y cyber hacking, hindi katanggap-tanggap na kasinungalingan

2021-07-21 16:43:19  CMG
Share with:

Isang pahayag ang inilabas kamakailan ng ilang bansa at organong gaya ng Amerika, Britanya, Unyong Europeo (EU) at North Atlantic Treaty Organization (NATO)  bilang pagbatikos sa paglulunsad ng di-umano’y  cyber hacking ng Tsina.
 

Sa katwiran ng umano’y cyber theft, isinakdal ng Amerika ang maraming tauhang Tsino.
 

Kaugnay nito, tinukoy nitong Martes, Hulyo 20, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang batayan ang pagbatikos ng Amerika at mga kaalyansa nito laban sa Tsina, sa isyu ng cyber security.
 

Aniya, binaligtad ng ganitong pagbatikos ang tama at mali, at ito ay ganap na paninirang-puri at paninikil sa Tsina, batay sa layuning pulitikal.
 

Hinding hindi ito tatanggapin ng panig Tsino, dagdag niya.
 

Saad ni Zhao, buong tatag na tinututulan at binibigyang-dagok ng Tsina ang anumang porma ng cyber attack, at hindi hinihimok, kinakatigan o pinahihintulutan ng bansa ang cyber attack.
 

Tinukoy niyang sa katunayan, ang Amerika ay ang pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng cyber attack sa buong mundo.
 

Aniya, sa ilalim ng pagpapasulong ng Amerika, malinaw na ginagawang bagong battle filed ng NATO ang cyber space.
 

Ang ganitong kilos ay hindi lamang sumisira sa pagsasakatuparan ng sariling seguridad, kundi posible ring pagsimulan  ng alitan at sagupaan sa cyber space, at makapinsala sa kapayapaan at katiwasayang pandaigdig, dagdag niya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method