Kasama ang mga kaalyansang kanluranin, isang pahayag ang inilabas kamakailan ng Amerika, bilang pagbatikos sa paglulunsad ng di-umano’y cyber hacking ng Tsina.
Sa katuwiran ng umano’y cyber theft, isinakdal ng Amerika ang 4 na tauhang Tsino.
Pero, sa kabila nito, walang maiprisintang matibay na ebidensiya at detalyeng teknikal ang panig Amerikano.
Ang masama ay tinatangka nitong baligtarin ang tama at mali.
Tulad ng dating maraming kaugalian, isa na naman ito sa mga kasinungalingang niluto ng Amerika.
Sa katunayan, ang Amerika ay nananatiling pinakamalaking hacker empire sa buong mundo.
Nitong nakalipas na mahabang panahon, gamit ang sariling bentaheng teknikal, isinasagawa ng Amerika ang malawakan at walang habas na cyber theft, surveillance at attack sa buong daigdig.
Ang iskandalo ng PRISM at iskandalo ng wiretapping ng Amerika sa mga kaalyansa na ibinunyag kamakailan ng Danish media ay mga halibawa.
Malinaw na ginagawang bagong battle filed ng Amerika at North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang cyber space.
Ang ganitong kilos ay hindi lamang posibleng pagsimulan ng alitan at sagupaan sa cyber space, kundi makakapinsala rin sa kapayapaan at katiwasayang pandaigdig.
Noong isang taon, inilunsad ng Tsina ang Global Initiative on Data Security, kung saan iminungkahi ang pagbuo ng mapayapa, ligtas, bukas, kooperatibo, at maayos na cyber space.
Aktibong tinugon ng maraming umuunlad na bansa ang nasabing inisyatibo, pero malamig ang reaksyon ng mga bansang kanluranin, dahil nababahala silang mawawala ang kanilang hegemonistikong katayuan sa cyber space.
Ang mga kasinungalingang niluto ng Amerika at mga kaalyansang kanluranin ay ibayo pang magbubunyag ng kani-kanilang maruming aksyon sa pangangalaga at pagpapatibay ng cyber hegemonism.
Salin: Vera
Pulido: Rhio