CMG Komentaryo: Salitang “Together,” idinagdag sa Motto ng Olimpiyada: katuturan nito, espesyal

2021-07-22 16:11:07  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Salitang “Together,” idinagdag sa Motto ng Olimpiyada:  katuturan nito, espesyal_fororder_20210722olimpiyada600

Bubuksan sa Tokyo Hulyo 23, 2021 ang Ika-32 Summer Olympic Games. Isang malaking pangyayari sa kasaysayan ng olimpiyada ang kapasyahang ginawa kamakailan ng ika-138 sesyong plenaryo ng International Olympic Committee (IOC) na idagdag ang salitang “Together” sa bantog na Olympic Motto na “Faster, Higher, Stronger.”

Walang duda, ito ay nag-iniksyon ng bagong kahulugan sa Diwa ng Olimpiyada na nagpapakita ng komong hangarin ng mga mamamayan ng buong mundo.

Ang nasabing salita ay may mahalagang katuturan para sa magkakasamang pagtagumpay ng buong daigdig sa iba’t-ibang kinakaharap na hamon.

Sa kasalukuyang kalagayan, sinasalanta ng pandemiya ng COVID-19 ang buong daigdig, at bumabagal ang pagbangon ng kabuhayan ng mundo.

Ngunit, walang patid na sinusulsulan ng ilang politikong kanluranin ang pagkakaroon ang heopolitikal na gulo  at ideolohikal na komprontasyon upang pagwatak-watakin ang buong mundo.

Ang mga ito ay nagdudulot ng direktang epekto sa pundamental na kaisipan ng modernong Olimpiyada na “pagpapasulong ng harmonya ng sangkatauhan, at magkakasamang pagtatatag ng masaganang daigdig.”

Sa harap ng bagong hamon at pagkakataon, labis na kailangan ng sangkatauhan ang Diwa ng Olimpiyada na nagtataguyod ng kabutihan, pagkakaibigan, paggagalangan, at pagkakaisa.

Kailangang pawiin ang iba’t-ibang uri ng hadlang at di-pagkakaunawaan, at hikayatin ang mas malakas na pagkakaisa ng mga mamamayan ng buong daigdig.

Sa katotohanan, kung magtitipun-tipon ang mga atleta mula sa nagkakaibang bansa at kultura sa paghulagpos sa kahirapang dulot ng pandemiya, maisasakatuparan ng Olimpiyada ang pinakamahalagang katuturan nito na “pag-isahin ang buong daigdig.”

Bukod dito, ang pagdaragdag ng salitang “Together” sa Motto ng Olimpiyada ay makakapagbigay ng katapangan at lakas para mapagtagumpayan ng sangkatauhan ang napakaraming hamon sa hinaharap.

Ito ay isang paalala sa buong sangkatauhan na kailangang pangangalagaan ang pampublikong kalusugan, harapin ang pagbabago ng klima, at panatilihing malakas ang pagkakaisa dahil ang mga ito ay ang pinakamabisang sandata upang pagtagumpayan ang mga hamon.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method