Puno ng UN, saludo sa lahat ng mga atletang kalahok sa Tokyo Olympics

2021-07-22 18:31:13  CMG
Share with:

Puno ng UN, saludo sa lahat ng mga atletang kalahok sa Tokyo Olympics_fororder_9ad6e118d81147f8a9ef7c734be13534

 

Sa video message na inilabas kahapon, Hulyo 21, 2021, ipinahayag ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN) ang paggalang sa lahat ng mga atleta ng iba't ibang bansa na kalahok sa naantalang 2020 Tokyo Summer Olympics.

 

Pinasalamatan din niya ang mga mamamayan ng Hapon sa pagtataguyod ng Olimpiyadang ito, na sisimulan bukas.

 

Sinabi ni Guterres, na sa pamamagitan ng Diwa ng Olimpiyada, pinagtagumpayan ng bawat atleta sa Tokyo ang napakalaking mga hadlang, at ipinakikita rin nila ang kapansin-pansing determinasyon.

 

"Kung gagamitin ang parehong lakas sa pagharap sa mga pandaigdigang hamon, makakamit natin ang anumang bagay." dagdag niya.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Please select the login method