Noong Hulyo 16, 2021, ipinalabas ng Kagawaran ng Estado, Kagawaran ng Tesorerya, Kagawaran ng Komersyo, at Kagawaran ng Seguridad ng Tinubuang-lupa ng Amerika, ang umano’y “Hong Kong Business Advisory.”
Bukod dito, inilakip din ng US Treasury Department's Office of Foreign Assets Control (OFAC) ang 7 deputy directors ng Liaison Office ng Central People's Government sa HKSAR sa Specially Designated Nationals at ipinataw ang sangsyong pinansiyal sa kanila.
Tungkol dito, ipinahayag ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang nasabing umano’y “Hong Kong Business Advisory” ay walang batayang dumungis sa kapaligirang pangnegosyo ng Hong Kong, at ilegal na nagpataw ng sangsyon sa mga opisyal Tsino sa Hong Kong, bagay na grabeng lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, at grabeng nanghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina. Buong tinding tinututulan at buong higpit na kinokondena ng panig Tsino ang nasabing kilos ng panig Amerikano.
Bilang tugon sa maling kilos ng panig Amerika, ipinasiya aniya ng panig Tsino na isagawa ang reciprocal countermeasures na patawan ng sangsyon alinsunod sa Anti-Foreign Sanction Law, ang 7 indibiduwal at entities ng panig Amerikano na kinabibilangan nina former US Secretary of Commerce Wilbur Louis Ross, Chairman of US-China Economic and Security Review Commission (USCC) Carolyn Bartholomew, former Staff Director of Congressional-Executive Commission on China (CECC) Jonathan Stivers, DoYun Kim at National Democratic Institute for International Affairs, Senior Program Manager of the International Republican Institute (IRI) Adam Joseph King, China Director at Human Rights Watch Sophie Richardson, at ang Hong Kong Democratic Council.
Salin: Lito
Pulido: Mac