CMG Komentaryo: Kalayaan sa pamamahayag sa Hong Kong, di-nangangailangan ng diktador at ipokrita

2021-07-13 16:03:41  CMG
Share with:

Noong Hulyo 10, sa ngalan ng Media Freedom Coalition, ipinahayag ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos sa pamamagitan ng website nito ang pagkabahala sa pagsara ng pahayagang Apple Daily, at binatikos ang umano’y “paninikil sa kalayaan sa  pagpapahayag” ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
 

Nilagdaan ng Amerika at ilang bansang kanluranin ang nasabing pahayag.
 

Ito ay isa pang pulitikal na komedyang nilikha ng Amerika, kasama ng ilang bansang kaluranin,sa pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong, sa katiwiran ng “kalayaan sa ekspresyon.”
 

Hinding hindi malilinlang ng ganitong manipulasyong pulitikal ang komunidad ng daigdig.

CMG Komentaryo: Kalayaan sa pamamahayag sa Hong Kong, di-nangangailangan ng diktador at ipokrita_fororder_20210713AppleDaily

Una, ang isyu ng Apple Daily ay walang anumang kaugnayan sa kalayaaan sa pagpapahayag. Sa ngalan ng media, nanggulo sa Hong Kong ang nasabing pahayagan, at lumabag sa Batas sa Pambansang Seguridad ng Hong Kong. Hinding hindi ito pinahihintulutan ng anumang lipunan sa ilalim ng Rule of Law.
 

Ika-2, ang pagsasara ng Apple Daily ay desisyong nagsasariling ginawa ng Board of Director ng kompanya, at hindi nangingibabaw ang sapilitang pagsasara. Isiniwalat ng media ng Hong Kong na matagala ng di-maganda ang pamamalakad ng Apple Daily , at palagiang umaasa  sa pananalaping pulitikal.
 

Ang kalayaan sa pamamahayag ay hindi rason ng mga aksyong ilegal at kriminal.
 

Sa Hong Kong, lubos na iginagarantiya ng saligang batas, Batas sa Pambansang Seguridad, Ordinansa sa Karapatang Pantao, at iba pang batas ang kalayaan sa pamamahayag. Lalong lalo na, nitong nakalipas na isang taon sapul nang isagawa ang Batas sa Pambansang Seguridad, mas mainam na pinangalagaan ang karapatang pantao at kalayaan ng mga residente sa Hong Kong.
 

Matatag ang pangkalahatang kalagayan sa Hong Kong, at di-kinakailangan ang mga diktador at ipokrita. Dapat pag-ukulan ng iilang bansang kanluranin ng mas maraming pansin ang pangangalaga sa sariling kalayaan sa pamamahayag.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method