5 bagong domestikong kaso ng COVID-19, naitala sa Chinese mainland

2021-07-25 17:50:47  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, naitala kahapon, Hulyo 24, 2021, sa Chinese mainland ang 5 bagong domestikong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at 27 bagong kumpirmadong kaso galing sa labas ng bansa.

 

Sa 5 domestikong kaso, 2 ang nasa Nanjing, punong lunsod ng lalawigang Jiangsu sa silangan ng Tsina, samantalang tig-isa naman ang mula sa mga lalawigang Liaoning, Guangdong, at Yunnan.

 

Ang naturang 5 ay pawang may kinalaman sa pagkalat ng virus sa Nanjing.

 

Samantala, naitala kahapon ang 17 bagong asimptomatikong kaso, at 437 pasyenteng walang sintomas ang nananatili sa ilalim ng obserbasyong medikal.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Please select the login method