35, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland nitong Hulyo 23; 13, domestikong kaso

2021-07-24 10:02:36  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 35 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Huwebes, Hulyo 23, 2021.

Kabilang dito, 22 ang galing sa labas ng bansa, at 13 naman ang domestikong kasong naitala sa Lalawigang Jiangsu at Sichuan.

Sa loob ng 24 na oras nitong Hulyo 23, ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland ay 681.

Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method