Mahigit isang milyon, kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Malaysia

2021-07-26 10:49:41  CMG
Share with:

Ayon sa datos na isinapubliko nitong Linggo, Hulyo 25, 2021 ng Ministri ng Kalusugan ng Malaysia, hanggang alas-12 ng tanghali sa araw na ito, 1,013,438 ang kabuuang bilang ng naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Mahigit isang milyon, kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Malaysia_fororder_20210726Malaysia1550

Samantala, 7,994 naman ang kabuuang bilang ng binawian ng buhay.

Mahigit isang milyon, kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Malaysia_fororder_20210726Malaysia2550

Ayon pa sa datos ng nasabing ministri, hanggang noong Hulyo 24, mahigit 11.5 milyong mamamayang Malay ang naturukan na ng unang dosis ng bakuna, na katumbas ng 35.2% ng kabuuang populasyon.

Mahigit isang milyon, kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Malaysia_fororder_20210726Malaysia3550

Kabilang dito, mahigit 5.39 milyong katao naman ang nainiksyunan ng dalawang dosis ng bakuna, na katumbas ng 16.5% ng kabuuang populasyon ng bansa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method