Tokyo, Japan — Sa simposyum ng relasyong pandaigdig na itinaguyod kamakailan ng Pandaigdigang Samahan ng Komunidad ng Asya, bumigkas ng talumpati si Kong Xuanyou, Embahador ng Tsina sa Hapon.
Sa kanyang talumpating pinamagatang “Kooperasyon sa Asya at Relasyong Sino-Hapones sa Ilalim ng Malaking Pagbabago ng Kayariang Pandaigdig,” ipinahayag niyang ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Hapones ay angkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, pati na sa sa komong pag-asa ng mga bansa sa rehiyong ito.
Umaasa aniya siyang magkakaroon ng tumpak na kaalaman hinggil sa Tsina ang panig Hapones at isasagawa ang mga positibong patakaran. sa bansa
Diin pa niya, bilang kapuwa mahalagang bansa sa Asya, isinasabalikat ng Tsina at Hapon ang espesyal na responsibilidad sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng kontinente.
Lagi’t lagi aniyang pina-u-unlad ng Tsina ang relasyon sa Hapon alinsunod sa kabutihan at katapatan.
Umaasa ang panig Tsino na isasakatuparan ng Hapon ang positibong posisyon upang mapasulong ang matatag na relasyon sa Tsina sa pamamagitan ng aktuwal na kilos, diin pa niya.
Salin: Lito
Pulido: Rhio