Tsina at EU, dapat isa-isang-tabi ang hadlang para mapasulong ang malusog na pag-unlad ng kanilang relasyon—Wang Yi

2021-07-09 16:34:24  CMG
Share with:

Tinukoy nitong Huwebes, Hulyo 8, 2021 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na dapat magkaroon ang panig Tsino at Europeo ng tumpak na pagkaunawa, isa-isang-tabi ang mga hadlang sa iba’t ibang aspekto, at pasulungin ang pag-abante ng relasyong Sino-Europeo tungo sa tumpak, malusog at matatag na direksyon.

Tsina at EU, dapat isa-isang-tabi ang hadlang para mapasulong ang malusog na pag-unlad ng kanilang relasyon—Wang Yi_fororder_20210709WangYi1

Winika ito ni Wang sa video conference, kasama ni Josep Borrell, High Representative for Foreign Affairs and Security Policy ng Unyong Europeo (EU).
 

Inilahad ni Wang ang simulain at paninindigan ng Tsina sa mga isyung may kinalaman sa Xinjiang, Hong Kong at karapatang pantao. Diin niya, buong tatag ang mithiin at determinasyon ng Tsina sa pagtatanggol ng soberanya ng bansa at dignidad ng nasyon, at tinututulan ang iba’t ibang uri ng mapagkunwaring pagbatikos.
 

Saad naman ni Borrell, dapat paunlarin ng Europa at Tsina ang mabisa’t matapat na relasyon, dahil ito ay angkop sa kapakanan ng kapuwa panig.

Tsina at EU, dapat isa-isang-tabi ang hadlang para mapasulong ang malusog na pag-unlad ng kanilang relasyon—Wang Yi_fororder_20210709WangYi2

Nakahanda aniya ang panig Europeo na simulang muli ang pakikipag-ugnayan at pakikipagdiyalogo sa Tsina, at palakasin ang kooperasyon sa iba’t ibang aspekto.
 

Dagdag niya, ang pagkakaroon ng bisa ng kasunduan ng EU at Tsina sa pamumuhunan ay angkop sa kapakanan ng magkabilang panig, at umaasang magpupunyagi sila para rito.
 

Ipinagdiinan din niya ang paggalang ng panig Europeo sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, at hindi pagsuporta sa umano’y “pagsasarili” ng Hong Kong.
 

Palagay ng kapuwa panig na napapanahon at kapaki-pakinabang ang nasabing video conference.
 

Sinang-ayunan nilang patuloy na isagawa ang walang tigil na estratehikong pag-uugnayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method