Noong Hulyo 27, 1953, ginanap sa Panmunjeom ang seremonya ng paglalagda sa Korean Military Armistice Agreement.
Magkahiwalay na lumagda sa kasunduan sina North Korean General Nam Il na kumatawan sa Korean People's Army (KPA), at U.S. Army Lieutenant General William Harrison Jr. na kumatawan sa United Nations Command (UNC).
Matapos ang seremonya ng paglalagda, magkahiwalay na ipinadala ang mga kasunduan sa commander-in-chief ng kapwa panig upang lagdaan.
Makaraang lagdaan ang nasabing kasunduan, agarang itinigil ang ostilong aksyong militar ng dalawang panig sa digmaan sa Korea.
Lumalagda sa Korean Armistice Agreement si Kim Il-sung, pinakamataas na komander ng KPA.
Lumalagda sa kasunduan sina North Korean General Nam Il (sa kanan ng mesa) at William Harrison Jr (sa kaliwa ng mesa), punong kinatawan ng UNC.
Sa labas ng gusali ng paglalagda ng kasunduan.
Salin: Lito
Pulido: Mac
Tsina sa Amerika: ipaliwanag ang pagpapadala ng biological warfare agents sa Timog Korea
Pangulong Tsino, bumati sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Workers' Party of Korea
Beteranong Tsino sa digmaan ng DPRK kontra Amerika, ginawaran ng medalya
Xi Jinping, nagbigay-galang sa mga beterano at martir sa digmaan ng Hilagang Korea kontra Amerika