Tsina at India patuloy ang diyalogo hinggil sa border dispute sa Ika-12 round ng talastasang militar

2021-08-03 14:14:25  CMG
Share with:

Ayon sa Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, sa Moldo-Chushul border meeting point sa Indian side, idinaos nitong Lunes, Agosto 2, 2021 ang ika-12 round ng talastasan sa lebel ng corps commander ng Tsina at India.

Sa talastasan, matapat at malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang kapwa panig tungkol sa patuloy na pagpapasulong ng disengagement o pag-urong ng mga tropa sa hanay ng aktuwal na kontrol sa gawing kanluran sa hanggahang Sino-Indyano.

Sinang-ayunan din ng kapwa panig na patuloy na magsikap para maigarantiya ang matatag na situwasyon sa nasabing lugar at magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katahimikan.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method