Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko nitong Miyerkules, Agosto 4, 2021 ng Johns Hopkins University, hanggang alas-15:21H, hapon ng Agosto 4 (Eastern Standard Time) pumalo na sa 200,014,602 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Samantala, 4,252,873 naman ang mga binawiang buhay.
Ayon pa sa datos, 35,292,721 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso, at 614,666 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa Amerika.
Ang Amerika ang bansang may pinakamalaking bilang ng mga kumpirmadong kaso at nasawi sa buong daigdig.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
Mahigit 198 milyon, kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo
190 milyong bakuna, naipagkaloob na ng Tsina sa mga bansang ASEAN
Pandaigdigang kooperasyon sa bakuna kontra COVID-19, aktuwal na pinapasulong ng Tsina
83.1% na netizen ng daigidg, suportado ang pananaliksik ng pinagmulan ng coronavirus sa Amerika