Sa kanyang pagdalo sa pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ipinahayag nitong Martes, Agosto 3, 2021 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang ASEAN ay itinuturing ng panig Tsino bilang pangunahing katuwang sa pakikibaka laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Hinggil dito, naipagkaloob na aniya ng panig Tsino ang mahigit 190 milyong bakuna ng COVID-19 at mga medikal na materiyal sa sampung bansang ASEAN.
Bukod diyan, pinasimulan na ng kapuwa panig ang inisyatiba ng kooperasyon ng kalusugang pampubliko upang mapasulong ang pagkokoordinahan sa polisiya ng bakuna at pagbabahaginan ng mga impormasyon, dagdag pa ni Wang.
Salin: Lito
Pulido: Rhio