Pangunguluhan sa Agosto 5, 2021, sa pamamagitan ng video link, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang unang pulong ng pandaigdig na porum sa kooperasyon sa bakuna kontra COVID-19, na may temang "palakasin ang pandaigdigang kooperasyon sa bakuna, at pasulungin ang pantay-pantay at makatwirang pamamahagi ng mga bakuna sa buong daigdig."
Ito ay isa pang aktuwal na aksyon ng Tsina para sa pagpapasulong ng pandaigdigang kooperasyon sa bakuna kontra COVID-19.
Nitong ilang araw na nakalipas, ipinagkaloob ng Tsina ang mga bagong pangkat ng walang bayad na bakuna kontra COVID-19 sa ilang bansang gaya ng Kambodya, Uganda, Tanzania, at Syria.
Ayon sa may kinalamang ulat na inilabas kamakailan, ang bilang ng mga bakunang ipinagkaloob ng Tsina sa mga bansang dayuhan ay mas malaki nang 227% kaysa bilang ng mga bakunang kaloob ng Europa sa ibang mga bansa, at mas malaki naman nang 84 na ulit kaysa bilang ng mga bakunang kaloob ng Amerika sa ibang mga bansa.
Noong Hulyo 29, sa pagtataguyod ng Ministring Panlabas ng Tsina, nagdaos ng dialogue meeting ang 4 na kompanyang Tsino ng paggawa ng bakuna, kasama ng mahigit 30 kompanya mula sa mahigit 20 bansa. Narating nila ang intensyon sa mga bagong kooperasyon sa paggawa ng bakuna kontra COVID-19.
Ang pamamahagi ng mga bakuna kontra COVID-19 ay pinahahalagahan din ng komunidad ng daigdig. Ipinahayag kamakailan ng World Trade Organization, na ang komprehensibong pagbangon ng kalakalang pandaigdig ay depende sa mabilis at pantay-pantay na pamamahagi ng mga bakuna sa iba't ibang lugar ng daigdig.
Editor: Liu Kai