Nitong ilang araw na nakalipas, naglakbay-suri si Pangalawang Premyer Sun Chunlan ng Tsina, sa Zhengzhou, punong lunsod ng lalawigang Henan, kung saan naganap ang pagkahawa ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa loob ng isang ospital, at pagkatapos, kumalat sa ibang mga lugar ng lunsod.
Hiniling ni Sun, na agarang isagawa ang lahat ng mga kinakailangang hakbangin, para pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa naturang lunsod.
Dapat aniyang pabilisin ang pag-iimbestiga sa mga close contact ng mga kumpirmadong kaso, at isagawa ang nucleic acid testing sa buong lunsod.
Binigyang-diin din ni Sun, na dapat pulutin ang aral mula sa pagkakaroon ng impeksiyon sa loob ng ospital.
Dapat palakasin ng magkasanib na mekanismo ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19 ng Konseho ng Estado ang pagsusuperbisa at pagsusuri sa pagpapatupad ng mga hakbangin laban sa pandemiya sa lahat ng mga lugar ng bansa, dagdag niya.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
85, bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland: 62, domestikong kaso
96, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland: 71 domestikong kaso
98, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland nitong Agosto 1: 55, domestiko
75, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland nitong Hulyo 31: 53, domestiko