Kaugnay ng paglagda ni Pangulong Joe Biden ng Estados Unidos sa memorandum tungkol sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), ipinahayag nitong Linggo, Agosto 8, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay isang pag-atake sa National Security Law ng Hong Kong at polisya ng pangangasiwa sa Hong Kong.
Ito aniya ay isa na namang masamang halimbawa ng walang-galang na panghihimasok ng Amerika sa suliranin ng Hong Kong at mga suliraning panloob ng Tsina.
Buong higpit aniyang tinututulan ng Tsina at ipinababatid ang matinding kawalang-kasiyahan sa aksyong ito.
Nagharap na ng solemnang representasyon ang panig Tsino sa panig Amerikano, saad pa niya.
Dagdag ni Hua, hinihimok ng Tsina ang Amerika na totohanang igalang ang soberanya ng Tsina, igiit ang pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, at huwag suportahan at sulsulan sa anumang porma, ang puwersang kumokontra sa Tsina at sumisira sa Hong Kong.
Salin: Lito
Pulido: Rhio