Sa ika-11 pulong ng mga ministrong panlabas ng Silangang Asya nitong Miyerkules ng gabi, Agosto 4, 2021, binanggit ng mga bansang gaya ng Amerika at Hapon ang isyu ng Xinjiang at Hong Kong, upang atakehin ang Tsina sa katuwiran ng umano’y “karapatang pantao.”
Bilang tugon, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina na ang suliranin ng Xinjiang at Hong Kong ay mga suliraning panloob ng Tsina.
Aniya, ang paglalabas ng walang basehang pananalita ng mga bansang gaya ng Amerika at Hapon ay maliwanag na kasinungalingan at pagdungis lamang sa reputasyon ng Tsina.
Diin ni Wang, ito ay sukdulang lumalabag sa pundamental na norma ng pandaigdigang relasyon, at nakakapinsala sa mga prinsipyong gaya ng pagkakapantay-pantay ng mga bansa.
Buong tinding pinabubulaanan ng panig Tsino ang mga akusasyon ng naturang dalawang bansa, diin ni Wang.
Salin: Lito
Pulido: Rhio