Noong Hulyo 20, 2021, inilabas ng website ng Ministring Panlabas ng Hapon ang press release hinggil sa bilateral na pag-uusap nina Takeo Mori, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Hapon, at Wendy Sherman, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Estados Unidos.
Binatikos ng nasabing press release ang panig Tsino sa mga isyu ng East China Sea at South China Sea, inulit ang kahalagahan ng kapayapaan sa Taiwan Strait, at inihayag ang malubhang pagkabahala sa kalagayan ng Xinjiang at Hong Kong.
Kaugnay nito, tinukoy nitong Huwebes, Hulyo 22 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang isyu ng Taiwan at mga isyung may kinalaman sa Hong Kong at Xinjiang ay mga suliraning panloob ng Tsina, at hinding hindi pahihintulutan ng panig Tsino ang pakikialam dito ng anumang puwersang panlabas.
Aniya, sa mga isyung may kinalaman sa dagat, buong tatag ang determinasyon ng Tsina sa pagtatanggol ng teritoryo, soberanya at kapakanang pandagat ng bansa.
Samantala, nakahanda ang panig Tsino na patuloy at maayos na hawakan, kasama ng mga may kinalamang bansa, ang alitan, sa pamamagitan ng pagsasanggunian, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Mac