Natapos kahapon, Agosto 8, 2021, sa Tokyo, Hapon, ang Ika-32 Summer Olympics.
Sa kanyang talumpati na idinaos sa Olympic Stadium, pinasalamatan ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee, ang lahat ng mga kalahok sa Olimpiyada, kabilang na ang mga tagapag-organisa at atleta.
Sinabi niyang, sa kabila ng malalaking kahirapan, ibinigay nila sa daigdig ang pinakamahalagang regalo: pag-asa.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019, na nagkasama ang buong mundo, dagdag ni Bach.
Samantala, sa pamamagitan ng 38 medalyang ginto, 32 pilak, at 18 tanso, nakuha ng Tsina ang ikalawang puwesto sa talaan ng medalya.
Ang Amerika ang siyang naguna.
Nasungkit naman ng Pilipinas ang 1 ginto, 2 pilak, at 1 tanso sa Olimpiyadang ito.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan