Sa briefing sa mga diplomatang dayuhan kaugnay ng origin-tracing ng novel coronavirus, inilahad Biyernes, Agosto 13, 2021 ni Ma Zhaoxu, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na hanggang sa kasalukuyan, ipinagkaloob na ng kanyang bansa ang halos 800 milyong dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa mahigit 100 bansa sa buong mundo.
Aniya, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, tinutupad ng Tsina ang pangako nitong gawing pandaigdigang produktong pampubliko ang bakuna.
Salin: Vera
Pulido: Mac