CMG Komentaryo: "Origin-tracing terrorism" na isinasagawa ng ilang pulitikong Amerikano, nakakapinsala sa buong mundo

2021-08-05 16:19:29  CMG
Share with:

Ayon sa ulat na isiniwalat nitong Lunes, Agosto 2, 2021 ni Representative Michael McCaul, Lead Republican ng US House Foreign Affairs Committee, may lubos di-umanong ebidensya na nagpapakitang inilabas mula sa Wuhan Institute of Virology (WIV) noong Setyembre ng 2019 ang coronavirus.
 

Ang  ulat ni McCaul ay batay sa nilutong kasinungalingan at pinilipit na katotohanan, at wala itong siyentipikong kredibilidad.
 

Pagkaraang ilabas ng magkasanib na grupo ng pananaliksik ng World Health Organization (WHO) at panig Tsino ang opisyal na ulat kung saan tinutukoy na “extremely unlikely” o malayong mangyari na nanggaling sa laboratoryong Tsino ang coronavirus, muling siniraan ng ilang Amerikano ang Tsina, at sinasadyang palakihin ang “teorya ng lab-leak.”
 

Ang kani-kanilang maruming kilos ay taliwas sa moral na istandard, siyensiya at katotohanan, at nagpapalaganap ng “origin-tracing terrorism” sa buong mundo.
 

Dapat igalang ng origin-tracing ang siyensiya, at hindi dapat isagawa ang manipulasyong pulitikal.

CMG Komentaryo: "Origin-tracing terrorism" na isinasagawa ng ilang pulitikong Amerikano, nakakapinsala sa buong mundo_fororder_20210805Komentaryo

Ang “origin-tracing terrorism” na pinapalaganap ng Amerika ay nakakapinsala sa buong mundo.
 

Sa isang banda, esensya ng ganitong aksyon na hadlangan ang sirkulo ng siyensiya upang hindi madiskubre ang katotohanan sa tunay na pinanggalingan ng coronavirus, at sirain ang proseso ng paglaban ng sangkatauhan sa pandemiya, sa pamamagitan ng siyentipikong sandata.
 

Napaka-iresponsable ng ganitong aksyon para sa lahat ng mga mamamayan ng daigdig na kinabibilangan ng mga Amerikano.
 

Samantala, tinatangka ng ilang pulitikong Amerikano na i-ugnay ang pinanggalingan ng coronavirus sa Tsina, maging ng mga bansang Asyano, bagay na nakapagpasigla sa pagkamuhi ng Amerika at ilang bansang kanluranin sa mga Asyano.
 

Bukod diyan, pinapasidhi rin nito  ang pagtatangi at poot panlahi.
 

Noong Agosto 2, 2021, isang magkasanib na pahayag ang isinumite sa Sekretaryat ng World Health Orgnization (WHO) ng mahigit 300 partido, organisasyong panlipunan at Think Tank mula sa 100 bansa at rehiyon ng daigdig.
 

Ipinanawagan nila sa WHO na isagawa ang pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus batay sa obdiyektibo at makatarungang paraan, at tutulan ang pagsasapulitika ng origin-tracing.
 

Ipinakikita nito ang komong mithiin ng mga mamamayan ng buong mundo.
 

Kung igigiit ng ilang pulitikong Amerikano ang pulitikal na panlilinlang, tiyak itong tututulan ng mga mamamayan ng komunidad ng daigdig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method