Pilipinas, tinanggap ang karagdagang 2 milyong bakuna ng Sinovac mula sa Tsina

2021-08-13 10:49:52  CMG
Share with:

Pilipinas, tinanggap ang karagdagang 2 milyong bakuna ng Sinovac mula sa Tsina_fororder_20210813bakuna

 

Dumating kagabi, Agosto 12, 2021, ng Pilipinas ang karagdagang 2 milyong dosis ng CoronaVac vaccine na ginawa ng Sinovac Biotech ng Tsina.

 

Ito ay bahagi ng tuluy-tuloy na pagsuporta ng panig Tsino sa Pilipinas sa kampanya ng inokulasyon laban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Ang Tsina ay unang bansang nagbigay ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.

 

Noong Pebrero 28 ng taong ito, libreng ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas ang unang pangkat ng CoronaVac. Sa pamamagitan nito, sinimulan noong Marso 1 ng Pilipinas ang malawakang pagbabakuna.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Screenshot mula sa PTV

Please select the login method