Noong Agosto 15, 1945, isinahimpapwid ng Emperador ng Hapon sa buong bansa ang emperial edict, na nagdedeklara ng pagtanggap sa Potsdam Declaration at walang-pasubaling pagsusuko ng bansa sa Alayansang “Allied.”
Noong Oktubre 25, 1945, idinaos ng pamahalaang Tsino sa Taiwan ang seremonya ng pagtanggap sa pagsuko ng Hapon, na naging mahalagang sagisag ng komprehensibong tagumpay ng Anti-Japanese War.
Noong Agosto 15, 1945, idinaklara ni Japanese Emperor Hirohito ang walang-pasubaling pagsuko.
Noong Agosto 15, 1945, ipinadala ni Zhu De, Commander-in-Chief ng napalayang lugar ng Tsina, ang utos kay Yasuji Okamura, pinakamataas na komader ng hukbong Hapones sa Nanjing.
Noong Setyembre 9, 1945, bumalik ang tropang Tsino sa lunsod Yichang, probinsyang Hubei ng Tsina. Masayang ikinalat ng mga batang babae ang bulaklak bilang simbolo ng tagumpay.
Noong Agosto 31, 1945, itinayo ang isang streamer sa Luzon para ipagbigay-alam sa mga tropang Hapones ang walang-pasubaling pagsuko ng kanilang emperador, kaya dapat na rin nilang itigil ang pakikipaglaban sa lalong madaling panahon.
Noong Agosto 15, 1945, sa isang internment camp sa Guam, iniyuko ng mga bilanggong Hapones ang kanilang ulo makaraang marinig ang pagdeklara ni Emperor Hirohito ang walang-pasubaling pagsuko.
Noong Agosto 15 (Beijing time), 1945, sa Amerika, nakangiting nagyakapan ang dalawang babae at isang lalaking nakasuot ng unipormeng pangmilitar. Nasa kamay ng lalaki ang isang diyaryong may nakasulat na “kapayapaan.”
Salin: Lito
Pulido: Rhio