Bilang tugon sa balighong paglalagay kamakailan ng Bloomberg ng Amerika sa “unang puwesto sa buong mundo sa pakikibaka laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19),” magkakasanib na ipinalabas noong Agosto 9, 2021 ng 3 bantog na think tank ng Tsina ang isang ulat na pinamagatang “America Ranked First”?! The Truth about America’s fight against COVID-19” kung saan naibunyag ang tunay na kalagayan ng paglaban ng Amerika sa pandemiya.
Hanggang sa ngayon, lumampas na sa 35 milyon ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Amerika, at mahigit 610 libo ang bilang ng mga binawian ng buhay. Kapwang ito ay pinakamataas sa buong daigdig.
Para sa mga mamamayang Amerikano, ang kasalukuyang pandemiya ay hindi lamang isang likas na kapahakaman, kundi isa ring artipisyal na kalamidad.
Bunsod ng napakagrabeng paglalabanan ng mga partido, pamumulitika sa pandemiya na nauwi sa pagkamatay ng napakaraming mamamayang Amerikano na dapat sana ay nabuhay at nalampasan ang pandemiya.
Ang mga nakikitang pagkabigo ng pagpigil at pagkontrol ng Amerika sa pandemiya ay nagpapakita ng kawalang-bisa ng American-style democratic system na nagiging “Games of Thrones” ng mga politikong Amerikano.
Ngunit hanggang sa ngayon, kumakalat pa rin ang napakalaking makataong kalamidad sa Amerika. Patuloy pa rin ang pulitikal na panlilinlang na nagbabalewala sa pundamental na karapatang pantao ng mga mamamayang Amerikano.
Salin: Lito
Pulido: Mac