Kaugnay ng kumakalat na pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong daigdig, isinagawa 18:00H, Martes, Agosto 10, 2021 (Beijing time) ng think tank ng China Global Television Network (CGTN), ang ika-3 round ng internet poll sa mga platapormang gaya ng Youtube, Twitter, at Facebook sa 5 wikang kinabibilangan ng Britanya, Espanya, Pransya, Arabe, at Ruso.
Ang unang tanong ng nasabing poll ay: “wala bang bisa sa tingin mo ang mga hakbang ng pamahalaang Amerikano laban sa COVID-19?”
Walumpu’t isa punto pitong porsiyento (81.7%) ng mga netizen ang sumagot ng “Oo.”
Bukod dito, maraming netizen ang nagkomentong bigo ang pakikibaka ng pamahalaang Amerikano laban sa pandemiya.
Dagdag pa riyan, inakusahan pa nila ang Amerika ng panunulsol ng digmaan sa iba’t-ibang sulok ng daigdig.
Anila, ang kagawiang ito ay grabeng nagsasapanganib sa kaligtasan ng buhay ng mga mamamayan ng ibang bansa.
Salin: Lito
Pulido: Rhio