Ang populasyon ng Amerika ay katumbas lamang ng 4% ng populasyon ng buong daigdig, ngunit ito ngayon ay may nasa 18% ng kabuuang bilang ng kumpirmaong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa mundo.
Ipinakikita ng nasabing dalawang datos na malaking hadlang sa proseso ng pakikibaka ng daigdig sa pandemiya ang pagkabigo ng Amerika sa usaping ito.
Pero, sa kabila ng kawalang-kontrol ng Amerika sa pandemiya sa sariling nasasakupan, wala pang mabisang paraang isinagawa ang pamahalaang Amerikano upang maisaayos ang problemang ito sa loob at labas ng bansa.
Ito ay isang mabigat na dahilan kung bakit walang humpay na kumakalat ang corona virus sa iba’t-ibang sulok ng buong daigdig, bagay na nagdudulot ng napakalaking banta sa kalusugan ng maraming mamamayan. .
Sa pag-aaral na magkakasanib na isinapubliko kamakailan ng tatlong think tank ng Tsina, sistematikong inilahad na ang pagbubukas ng hanggahan ng Amerika ay isang mabigat na dahilan kung bakit nawala sa kontrol ang pandemiya.
Kaugnay nito, lumampas na ngayon sa 200 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong daigdig, at malinaw ritong nakikita ang napakalaking kamaliang nagawa ng Amerika.
Ang Amerika ay ang “pinakamalaking bansang tagapagkalat ng pandemiya.”
Dahil sa kagustuhang maigarantiya ang muling pag-angat ng kabuhayan at makamit ang suporta ng mga mamamayan sa eleksyon, idineklara ng pamahalaang Amerikano sa kasagsagan ng pandemiya noong Agosto 2020 ang pagpapawalang-bisa sa travel ban ng mga mamamayang Amerikano sa buong daigdig.
Bunsod nito, napakaraming mamamayang Amerikano ang nagpunta sa iba’t-ibang sulok ng mundo na siyang naging dahilan ng napakabilis na pagkalat ng pandemiya.
Bukod dito, walang anumang pandaigdigang moralidad ang Amerika.
Dahil sa di-pagsasagawa ng anumang angkop na hakbangin ng pagpigil sa pandemiya, malawakan nitong pinauwi ang mga ilegal na mandarayuhan na lalo pang nagpalala sa situwasyon.
Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang Amerika sa pagsasagawa ng di-makataong hakbang.
Ipinakikita ng nasabing isang serye ng katotohanan na may di-mapapabulaanang responsibilidad ang Amerika sa pagpalaganap ng pandemiya sa buong daigdig.
Kaya, nararapat lamang itong maging target ng corona virus origin tracing.
Pero, ginagamit ng mga politikong Amerikano ang paraang pulitikal para ibaling ang sisi sa iba, palaganapin ang “political virus” sa buong daigdig, at sirain ang pandaigdigang kooperasyon ng paglaban sa pandemiya.
Malinaw na nakikita ang hegemonya at mithiin ng Amerika na “pamunuan ang daigdig alinsunod sa sariling kapakanan.”
Salin: Lito
Pulido: Rhio
CMG Komentaryo: Amerika, dapat bansagang pinakabigong bansa sa paglaban sa pandemiya
Mga dalubhasang Amerikano kay Joe Biden: dapat iluwas ng pamahalaan ang mga bakuna kontra COVID-19
CMG Komentaryo: “Games of Thrones,” nagbunsod ng makataong kapahamakan sa Amerika
Mga white-tailed deer sa Amerika, nadiskubreng may coronavirus — artikulo ng Nature