Paninindigan ng Tsina kaugnay ng kalagayan ng Afghanistan, inilahad ng kinatawang Tsino

2021-08-17 11:39:43  CMG
Share with:

Sa pangkagipitang pulong ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa isyu ng Afghanistan nitong Lunes, Agosto 16, 2021, inilahad ni Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kintawan ng Tsina sa UN, ang paninindigan ng panig Tsino sa kalagayan ng Afghanistan.
 

Saad ni Geng, iginagalang ng panig Tsino ang mithiin at pagpili ng mga mamamayang Afghan.
 

Aniya, ang pinakamahalaga ngayon ay ang pagpapanumbalik ng kapayapaan, katatagan at kaayusan sa lalong madaling panahon, at ang pag-iwas sa di-kinakailangang kasuwalti at pagkakaroon ng napakaraming bilang ng mga refugee.
 

Tinukoy ni Geng na hinding hindi dapat muling maging kanlungan ng mga terorista ang Afghansitan, at ito ay bottom line na dapat igiit ng anumang solusyong pulitikal ng Afghanistan sa hinaharap.
 

Dagdag niya, dapat pag-ibayuhin ng komunidad ng daigdig ang pagkakaloob ng makataong tulong sa Afghanistan at mga kapitbansang tumatanggap ng maraming refugees na nawalan ng tahanan.
 

Dapat din aniyang patuloy na tulungan ng komunidad ng daigdig ang Afghanistan at mga kapitbansa nito na kontrulin ang pandemiya sa lalong madaling panahon.
 

Diin ni Geng, ang kasalukuyang kaguluhan ng Afghanistan ay may direktang kaugnayan sa dali-daling pag-urong ng tropang dayuhan.
 

Dapat tunay na ipatupad ng mga kaukulang bansa ang pangako sa pagkatig sa kapayapaan, rekonsilyasyon, at rekontruksyon ng Afghanistan, at patingkarin ang konstruktibong papel sa isyu ng Afghanistan, dagdag ni Geng.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method