Ipinagdiinan kamakailan ng Sekretaryat ng World Health Organization (WHO) na ang kasunod na yugto ng paghahanap sa pinagmulan ng coronavirus ay dapat nakabatay sa resulta ng unang yugto ng pag-aaral at dapat ipatupad ang mungkahi sa China-WHO joint research report.
Ipinalalagay din nito na ang nasabing gawain ay dapat ayon sa siyentipikong pundasyon sa halip na maging kagamitan ng pamumuna sa isa’t-isa at pamumulitika.
Kaugnay nito, tinukoy nitong Lunes, Agosto 16, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mga opinyong nakapaloob sa nasabing pahayag ay dapat isakatuparan sa mga kaukulang gawain ng WHO.
Inulit din ni Hua ang posisyon at paninindigan ng panig Tsino sa isyu ng coronavirus origin tracing. Aniya, napakahalagang gawain ng paghahanap ng pinagmulan ng coronavirus, at dapat pamunuan ng mga kasaping bansa ng WHO ang gawaing ito.
Salin: Lito
Pulido: Mac