Sa regular na preskon nitong Huwebes, Hulyo 29, 2021, inihayag ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na matagal ng pinag-iibayo ng Amerika ang panlilinlang na pulitikal hinggil sa usapin ng paghahanap ng pinagmulan ng coronavirus.
Inilahad niya ang tatlong pagkakasala ng Amerika sa paglaban sa pandemiya at paghahanap ng pinagmulan ng virus:
Una, pinabayaan ng Amerika ang pagkalat ng virus.
Bilang bansang nangunguna sa teknolohiyang medikal, nanaig ang manipulasyong pulitikal sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya sa Amerika, bagay na humantong sa pagkahawa ng coronavirus ng halos 35 milyong Amerikano, at pagkamatay ng mahigit 610,000 katao.
Hindi rin nito isinagawa ang mabisang restriksyon sa paglabas ng bansa, at agarang pinauwi sa kani-kanilang mga bansa ang libu-libong ilegal na mandarayuhang nahawa ng COVID-19, bagay na humantong sa pagkalat ng virus sa buong mundo.
Ika-2, inilihim ng Amerika sa buong mundo ang tunay na kalagayan ng pandemiya sa loob ng bansa.
Ayon sa pananaliksik ng University of Washington, posibleng umabot sa 65 milyon ang mga nahawa at 900,000 ang mga nasawi sa COVID-19 sa Amerika. Ang nasabing dalawang datos ay malayung-malayo sa opisyal na estadistika.
At ika-3, isinasagawa ng Amerika ng "origin-tracing terrorism."
Hindi tumitigil ang Amerika sa pagkakalat ng mga istoryang nakasasama sa Tsina. Tinatangkang iugnay ang pinagmulan ng coronavirus sa Tsina, maging sa mga bansang Asyano, na naging sanhi ng pagkamuhi sa mga Asyano sa Amerika at iba pang bansang kanluranin.
Bukod dito, pinigilan nito ang boses ng katarungan ng mga siyentista.
Dagdag ni Zhao, kailangang hanapin ang pinanggalingan ng coronavirus, at kailangang-kailangan din ang paghahanap sa pinagmulan ng political virus dahil sinasamantala ng iba ang epidemya upang ibaling ang sariling pananagutan sa ibang panig, palaganapin ang pagtatangi, at panggigipit sa ibang bansa.
Salin: Vera
Pulido: Mac