Pagsisiyasat sa Fort Detrick biolabs, ipinanawagan ng mga instituto ng Pilipinas: pahayag ng Tsina, kailangang magpaliwanag ang Amerika sa daigdig

2021-08-18 16:14:32  CMG
Share with:

Inilunsad kamakailan ng mga instituto ng Pilipinas na gaya ng Philippine-BRICS Strategic Studies, Integrated Development Studies Institute (IDSI) at Global Talk News Radio (GTNR) ang online petition na humihiling sa World Health Organization (WHO) na siyasatin ang Fort Detrick biolabs ng Amerika, kaugnay ng pinagmulan ng SARS Cov-2, virus na nagsasanhi ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
 

Inihayag ng maraming personaheng pulitikal at iskolar ng Pilipinas na dahil sa kabiguan ng Amerika na labanan ang COVID-19, patuloy na pagbabaling ng sisi  isa iba at sensasyonalismo ng paghahanap sa pinagmulan ng virus, marami ang nagdududa hinggil sa Fort Detrick biolabs.
 

Kaugnay nito, tinukoy nitong Martes, Agosto 17, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na dapat malinaw na ipaliwanag ng panig Amerikano ang usaping ito sa buong daigdig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method