Bilang tugon sa pananalita ng kinatawang Amerikano hinggil sa South China Sea sa bukas na pulong ng United Nations (UN) Security Council tungkol sa isyung panseguridad sa dagat, tinukoy ni Dai Bing, Charge d’Affaires ad interim ng pirmihang delegasyong Tsino sa UN, na bilang bansa sa labas ng rehiyon, madalas na ipinapadala ng Amerika ang modernong bapor at eroplano sa South China Sea, sinasadyang gumagawa ng probokasyon, at lantarang nanunulsol sa relasyon ng mga bansa sa rehiyong ito. Ito aniya ay nagsisilbing pinakamalaking banta sa katatagan sa karagatang ito.
Walang anumang kuwalipikasyon ang Amerika sa pagsasabi ng kung anu-ano sa isyu ng South China Sea, diin ni Dai.
Sinabi ni Dai na sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), nananatiling matatag sa kabuuan ang situwasyon sa South China Sea, at mayroong kalayaan ang iba’t-ibang bansang maglayag at lumipad sa karagatang ito alinsunod sa pandaigdigang batas. May determinasyon at kakayahan ang Tsina at ASEAN sa mabuting pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa South China Sea, saad ni Dai.
Dagdag pa niya, hindi kasali ang Amerika sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ngunit tinatagurian ito bilang hukom ng kasunduang ito. Wala itong anumang kredibilidad sa isyung pandagat, diin niya.
Salin: Lito
Pulido: Mac
"Ulat ng Amerika sa Pag-unlad-militar at Seguridad ng Tsina," mariing tinututulan ng Tsina
Kalagayan sa South China Sea, matatag sa kabuuan – Tsina at ASEAN
Embahador na Amerikano sa Tsina, hinahangaan ang natamong bunga ng pag-unlad ng Tsina
CMG Komentaryo: Umano'y "pagkalas sa Tsina," lason ng mga politikong Amerikano sa kanilang bansa