Naganap kahapon, Agosto 26, 2021, ang twin suicide bombings sa labas ng paliparan ng Kabul, kabisera ng Afghanistan.
Ikinamatay ito ng di-kukulangin sa 73 katao na kinabibilangan ng 60 Afghan at 13 tauhan ng tropang Amerikano, at ikinasugat 155 iba pa na kinabibilangan ng 140 Afghan at 15 tauhan ng tropang Amerikano.
Inako ng Islamic State (IS) ang responsibilidad sa pag-atakeng ito, ayon sa pahayag ng naturang grupo na inilabas ng Amaq News Agency.
Pagkaraan nito, ipinatalastas ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang paghihiganti sa pag-atake.
Ani Biden, ini-utos na niya sa mga komander na militar na gawin ang plano ng pagsalakay sa mga lider at pasilidad ng IS.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Taliban: impormasyon sa bagong pamahalaan, isasapubliko sa malapit na hinaharap
Ilang bahagi ng probinsyang Baghlan, nabawi ng puwersang kontra Taliban
Wang Yi: Pagpili ng mga mamamayan ng Afghanistan, kailangang igalang ng daigdig
Tsina, umaasang maitatayo sa Afghanistan ang bukas at inklusibong estrukturang pulitikal