Tsina, umaasang maitatayo sa Afghanistan ang bukas at inklusibong estrukturang pulitikal

2021-08-19 11:41:41  CMG
Share with:

Sa regular na pakikipagtagpo sa media, Miyerkules, Agosto 18, 2021, ipinahayag ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pananabik ng panig Tsino sa pagtatayo ng Taliban at iba’t ibang paksyon sa loob ng Afghanistan ng bukas at inklusibong estrukturang pulitikal, sa pamamagitan ng diyalogo at negosasyon.
 

Diin ni Zhao, umaasa rin ang panig Tsino na resosolbahin ng iba’t ibang paksyon ng Afghanistan ang alitan sa pamamagitan ng diyalogo’t negosasyon, para maiwasan ang muling pagkaganap ng digmaan, kaguluhan at makataong kapahamakan, tungo sa pagpapasulong ng matatag na transisyon ng kalagayan ng bansa.
 

Dagdag niya, bilang kapitbansa at matapat na kaibigan ng Afghanistan, sa mula’t mula pa’y iginigiit ng panig Tsino ang mapagkaibigang patakaran sa lahat ng mga mamamayang Afghan.
 

Ito ay hindi nagbago, nagbabago at magbabago, diin ni Zhao.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method