NHC, suportado ang pag-aaral sa pinagmulan ng coronavirus sa mga bansang kinabibilangan ng Amerika

2021-08-29 13:28:16  CMG
Share with:

NHC, suportado ang pag-aaral sa pinagmulan ng coronavirus sa mga bansang kinabibilangan ng Amerika_fororder_20210829NHC600

Kaugnay ng inilabas na investigation summary ng intelligence agency ng Amerika tungkol sa paghahanap ng pinagmulan ng coronavirus, ipinahayag ni Zeng Yixin, Pangalawang Ministro ng Kalusugan o National Health Commission (NHC) ng Tsina, na baligho ang paglalabas ng American intelligence agency ng origin probe investigation report.

Aniya, hindi sila ang nararapat maglabas ng ganitong pagsusuri, at halip ay mga propesyonal na organong medikal.

Malinaw aniya kung sino ang nagsasapulitika sa isyu ng coronavirus origin tracing.

Sinabi pa ni Zeng na ang nasabing usapin ay isang siyentipikong isyu.

Sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), palagiang kinakatigan ng pamahalaang Tsino ang pagsasagawa ng origin tracing sa siyentipikong paraan, tinututulan ang pagsasapulitika sa usaping ito, at tinututulan ang paggamit nito bilang kagamitan upang ibaling ang sisi at responsibilidad sa iba.

Hinihikayat din niya ang mga siyentista ng iba’t-ibang bansa na magtulungan para isagawa ang malalim na pag-aaral sa pinagmulan ng coronavirus sa mga bansang kinabibilangan ng Amerika.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method