Pagsasapulitika ng Amerika sa coronavirus origin tracing, walang kuwenta — Tsina

2021-08-29 10:43:37  CMG
Share with:

Pagsasapulitika ng Amerika sa coronavirus origin tracing, walang  kuwenta — Tsina_fororder_20210829MaZhaoxu600

Sa isang panayam ng China Media Group nitong Agosto 28, 2021, sinabi ni Ma Zhaoxu, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na kaugnay ng ulat ng pag-imbestiga sa pinagmulan ng coronavirus na inilabas kamakailan ng intelligence agency ng Amerika, ito ay isang ganap na pulitikal at mapagkunwaring ulat, at wala itong anumang nilalamang may kinalaman sa agham  at walang  kredibilidad.

Buong tindi itong tinututulan ng panig Tsino, at iniharap na ang solemnang representasyon sa panig Amerikano.

Ani Ma, maraming beses na inulit ng panig Tsino na ang coronavirus origin probe ay isang kumplikadong  isyung siyentipiko. Dapat aniyang magkakasamang isagawa ng mga siyentista ng buong daigdig ang pag-aaral para resolbahan ang isyung ito.

Ngunit binabalewala aniya ng Amerika ang siyensiya at katotohanan at buong tikis na isinasagawa ang pulitikal na panglilinlang.

Sinabi niya na sa kabila ng kawalang ng anumang ebidensya, paulit-ulit na niluluto ng panig Amerikano ang mga kasinungalingan para dungisan at atakehin ang Tsina. Layon nitong ibaling ang responsibilidad at sisi sa Tsina at palaganapin ang political virus sa pamamagitan ng isyung ito, pagsiwalat ni Ma.

Ginagamit ng Amerika ang intelligence agencies sa paghahanap ng pinagmulan ng coronavirus, at ito ay matibay na ebidensya ng pagsasapulitika ng Amerika sa isyung ito, diin niya.

Ipinahayag din niya na ngayon, tinatanggihan pa ng panig Amerikano ang pagbibigay-reaksyon sa makatuwirang duda ng komunidad ng daigdig sa Fort Detrick biological laboratory at mahigit 200 overseas biological lab nito para takpan ang katotohanan at takasan ang kanyang responsibilidad. May responsibilidad at obligasyon ang Amerika na magbigay-reaksyon sa buong mundo, diin pa ni Ma.

Sa bandang huli, mataimtim na pinayuhan ni Ma ang panig Amerikano na walang anumang kuwenta ang pagsasagawa ng origin tracing sa paraang pulitikal. Dapat aniyang agarang itigil ang aksyon nitong sirain ang pagdaigdigang kooperasyon sa paghahanap ng pinagmulan ng coronavirus at pakikibaka laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method