Pagpapalawak ng maritime airport runway na itatatag ng mga kompanyang Tsino, sinimulan

2021-08-30 16:03:52  CMG
Share with:

Cox's Bazar, Bangladesh--Ginanap nitong Linggo, Agosto 29, 2021 ang seremonya ng pagsisimula ng pagpapalawak ng runway ng kauna-unahang maritime airport ng Bangladash.
 

Ang nasabing proyekto ay magkasanib na itatatag ng isang joint venture na binubuo ng China Civil Engineering Construction Corporation at Changjiang Yichang Waterway Engineering Bureau.
 

Sa kanyang talumpati sa pamamagitan ng video link, sinabi ni Punong Ministro Sheikh Hasina ng Bangladesh na magpupunyagi ang kanyang pamahalaan, para gawing pandaigdigang hub ng abiyasyon ang rehiyon ng Cox’s Bazar, at patingkarin ang bagong kasiglahan sa pag-unlad ng kabuhayan sa lokalidad.
 

Inihayag naman ni Li Jiming, Embahador Tsino sa Bangladesh, na sa ilalim ng Belt and Road Initiative, isinagawa ng Tsina at Bangladesh ang malawak at matagumpay na kooperasyon sa imprastruktura at iba pang larangan.
 

Aniya, ang pagpapatupad ng nabanggit na proyekto ay malaking makakapagpasulong sa pag-unlad ng turismo at kasaganaang pangkabuhayan ng rehiyon ng Cox’s Bazar.
 

Ayon sa salaysay, aabot sa 3,300 metro ang kabuuang haba ng papalawaking runway.
 

Maaari ritong lumipad at lumapag ang lahat ng uri ng malalaking eroplanong sibil.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method